Jessica inokray ng bashers sa pamimigay ng tsinelas sa Mangyan: Gaya-gaya kay Korina!


MANY were shocked when Jessica Soho’s weekend program gave away chinelas sa mga bata ng Tatlong Pulo.

Hindi namin napanood ang show ni Jessica and we just learned about it sa isang website.

Ang weekend show ni Korina Sanchez ang may ganitong pakulo. Matagal na siyang namimigay ng chinelas sa mga batang mahihirap. Dekada na yata ang binilang ng advocacy niyang ito.

Ewan kung ano ang naisip ng production team ni Jessica at ginaya nila ang pamimigay ng chinelas ni Korina. Baka sobra silang na-inspire kaya naman hindi na nila naisip na baka ma-bash sila sa kanilang ginawa.

“Korina siguro panahon na para palitan mo na yung binibigay mong tsinelas gawin mo naman syang sapatos! SAPAAATOOOS!”

“Hahaha. Talaga. Ah baka gusto nila ang advocacy ng Rated K kaya ginaya.”

‘Yan ang hanash ng fans ni Korina.

“Wala akong makitang mali sa pagbibigay ng KMJS ng tsinelas sa mga Mangyan. kase yung tinulungan dun na nag viral dahil walang tsinelas. Kaya maging masaya na lang tayo na nakakatulong ang KMJS o ang Rated K kesa maging bitter,” sagot naman ng isang fan ni Jessica.

“Si Korina Sanchez lang ba ang may K magbigay ng tsinelas sa ibang tao lalo na ‘yung mga walang saplot sa paa? Mema lang!? We love Jessica Soho! she’s number one!” another fan said.

q q q

Na-bash nang husto ang Kapuso actor na si Jerald Napoles when he tweeted his opinion as to who can play Darna.

“Perfect yung kayumangging Darna!! PINAY POWER! the world is now considering all races, colors, ethnicity for all roles! Tara Pinas! #Darna.”

“I kinda agree that @sanya_lopez is one of the top (if not the top) contenders to be the next Darna.”

Those were his tweets na talaga namang tinuligsa.

“Nasa ABSCBN Star Cinema ang rights ngayon ng Darna. Bakit nila ibibigay sa GMA artist? Huy gising.

Eto, baliktarin natin sitwasyon. Halimbawa nasa GMA ang rights ng Darna, sa tingin niyo ibibigay ng GMA yan sa artist from rival network? DIBA HINDI,” sagot ng isang fan.

What Jerald conveniently forgot is that female Kapuso artists don’t have the potential to make the new Darna movie sell. No one among GMA 7’s roster of female talents have marquee attraction. To be blunt about it, wala silang box office stars.

Read more...