PAGKATAPOS magpakitang-gilas ni KZ Tandingan last year sa pinakasikat na singing competition sa China, isang young Filipino male performer naman ang lalaban sa Singer 2019.
Nu’ng una ay wala pang kumpirmasyon kung ang award-winning singer nga na si Darren Espanto ang napili para magdala ng bandera ng Pilipinas sa Singer 2019.
Nag-post kasi ang binata sa kanyang Instagram Stories ng tungkol sa bagong challenge na haharapin niya ngayong buwan pero wala siyang ibinigay na detalye.
Pero ilan sa mga followers niya sa IG ang nagsabi na baka nga ito na yung nababalitaan nila about Singer 2019 na magsisimula na sa April 12.
At kanina nga nag-post ng mensahe sa Twitter ang talent management ni Darren, ang Star Magic, at kinumpirma na nga ang good news.
“D’ Total Performer Darren Espanto will be performing at The Singer 2019 Finals on April 12 at 8 PM!” tweet ng Star Magic. Wala ng ibang detalyeng ipinost ang SM tungkol dito.
Last year, ilang beses nakipaglaban si KZ Tandingan sa Singer 2018 hanggang sa matanggal siya bago mag-finals. Pero nagmarka naman ang kanyang mga performances hindi lamang sa mga Chinese kundi sa iba pang mga lahi na nakatutok sa competition.