Matapos matsismis na nagde-date, posibleng magsama ang mga Korean superstars na sina Hyun Bin at Son Ye Jin sa isang project.
Base sa ulat, kasalukuyan ang negosasyon para sa pagsasama nina Hyun Bin at Ye Jin sa isang serye.
Isinulat ang upcoming drama ng writer ng The Legend Of The Blue Sea na si Park Ji Eun. Bumida sa nasabing K-drama ang K-superstar na si Lee Min Ho. Nakatakdang mapanood ang nabanggit na Korean series sa second half ng 2019.
Kinumpirma ng agency ni Ye Jin na MS Team Entertainment na inalok nga ang project sa aktres at kasalukuyang pinag-aaralan pa ng kanilang kampo. Sinabi rin ng agency ni Hyun Bin na Son Ye Jin’s agency MS Team VAST Entertainment na inalok din ang proyekto sa aktor.
Unang nagkasama sina Hyun Bin at Ye Jin sa 2018 film “The Negotiation”, kung saan napaulat pa na sila ay nagde-date, na kapwa itinanggi ng kampo ng dalawa.
Huling napanood si Hyun Bin sa Memories of the Alhambra kasama ang isa pang Korean superstar na si Park Shin Hye. Napanood naman si Ye Jin sa blockbuster K-drama na Something in the Rain (Pretty Noona Who Buys Me Food) kasama ang Korean heartthrob na si Jung Hae In.