Gong Yoo, Bo Gum umariba na sa shooting ng ‘Seo Bok’

GONG YOO AT PARK BO GUM

KOREAN word of the week: “Keo-pi” – Sa Ingles ito ay “coffee” at kape naman dito sa atin.

Nakatakdang simulan ng dalawang Korean superstar na sina Gong Yoo at Park Bo Gum ang shooting ng kanilang pelikula na “Seo Bok”.

Itinakda na ang filming ng “Seo Bok”, na tatalakay sa human cloning, sa susunod na buwan.

Inihayag ng distributor ng pelikula na CJ Entertainment na kumpleto na ang cast ng movie kung saan maka-kasama rin ang magaling na aktor na si Jo Woo Jin.

Kwento ang “Seo Bok” ni Ki Heon (Gong Yoo), isang ex-intelligence agent na madidiskubre ang kauna-unahang human clone na si Seo Bok (Park Bo Gum).

Gaganap naman si Woo Jin bilang si Chief Ahn, ang head ng Korean intelligence bureau na siyang magtatago kay Seo Bok sa publiko.

Ito ang unang proyekto na pagsasamahan nina Gong Yoo at Bo Gum. Sumikat nang husto si Gong Yoo sa blockbuster movie na “Train To Busan” at K-drama na Coffee Prince.

Nakilala naman si Bo Gum sa Love In The Moonlight (2016) na napanood din sa ABS-CBN at sa Encounter (2018).

Read more...