Kimxi bibida sa ‘Love Thy Woman’ | Bandera

Kimxi bibida sa ‘Love Thy Woman’

Reggee Bonoan - April 09, 2019 - 12:40 AM

KIM CHIU AT XIAN LIM

BALIK-TAMBALAN sina Kim Chiu at Xian Lim sa Kapamilya series na Love Thy Woman mula sa Dreamscape Entertainment na ididirek ni Jeffrey Jeturian.

Powerful ang cast ng nasabing serye dahil kasama rin dito sina Christopher de Leon, Ruffa Gutierrez, Karl Gabriel, Erich Gonzales, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz, Jennifer Sevilla, Tim Yap at Eula Valdez.

Ang bulong sa amin, mala-“Crazy Rich Asians” ang kuwento ng Love Thy Woman kaya pawang malalaking artista ang kasama ng KimXi sa bago nilang TV project. Huli silang nagkasama sa seryeng Story of Us (2016).

Balik-Dreamscape Entertainment din si Xian pagkalipas ng limang taon, ang huling soap niya sa unit ni Sir Deo Edrinal ay ang Ina Kapatid Anak kasama sina Maja Salvador, Enchong Dee at Kim na tumagal ng walong buwan (Oktubre 2012-Hunyo 2013).

Kitang-kita sa ginanap na storycon ng Love Thy Woman ang saya at ganda ng ngiti ni Xian dahil finally may project na ulit siya sa ABS-CBN simula nu’ng umalis siya sa Star Magic noong 2018.

Reunion din ito nina Kim at Erich na huling nagkatrabaho sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin (2011) at Sana Maulit Muli (2007).

Pero siguradong ang pinakamasaya sa lahat sa pagkakabuo ng Love Thy Woman ay ang KimXi followers na matagal nang naghihintay sa muling pagsasama nina Kim at Xian sa telebisyon.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang target airing ang bagong serye at kung kailan magsisimula ang taping nito.

Usaping Xian Lim pa rin, maganda ang pasok sa kanya ng 2019 dahil pagkatapos ipalabas ang pelikula nila ni Louise delos Reyes na “Hanggang Kailan” na kinunan pa sa Japan directed by Bona Fajardo ay tinatapos na rin niya ang pelikula nila ni Cristine Reyes na “Untrue” na kinunan sa Tbilisi, Georgia mula sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

At heto naumpisahan na rin i-shoot ni Xian ang pelikulang “Tabon” na entry sa 2019 Cinemalaya na siya mismo ang direktor.

Sa ngayon ay on-going ang workshop niya sa gagawing pelikula nila ni Alex Gonzaga na may titulong “Love The Way You Lie” sa direksyon ni RC delos Reyes handog ng Viva Films at Ten17 Productons.
Si RC din ang nagdirek ng “Mary Marry Me” nina Alex, Sam Milby at Toni Gonzaga-Soriano na naging entry sa 2018 MMFF.

Sa sobrang busy ngayon ni Xian, marahil ay napagtanto niyang okay na rin na umalis siya ng Star Magic at napunta sa Viva Artist Agency dahil kaliwa’t kanan ang movie projects niya bukod pa sa co-producer din siya rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At heto’t may reunion series pa sila ng kanyang girlfriend na si Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending