Rayver pinakilig ang fans ni Janine, ideal BF daw

RAYVER CRUZ AT JANINE GUTIERREZ

Kinilig ang mga fans ni Janine Gutierrez sa sweet gesture ni Rayver Cruz para sa kanyang girlfriend.

Kahit na sobrang busy din siya sa kanyang trabaho, all-out pa rin ang suportang ibinibigay niya kay Janine, lalo na sa afternoon teleserye nito sa GMA na Dragon Lady.

Personal na binisita ni Rayver ang Kapuso actress sa taping ng Dragon Lady kamakailan para bigyan ito ng moral support. Ipinost ng binata ang picture nila together sa Instagram na umani ng positibong komento mula sa netizens – ideal BF daw ang Kapuso actor.

“Whaaaatttt!? Paalam Celestina Mamaya!? Watch ko yan hehe #GoodbyeDragonLady,” caption ni Rayver sa kanilang IG photo.

Read more...