Coco nakaisip ng bagong kalaban kaya hindi pa rin tatapusin ang ‘Probinsyano’

SUSAN ROCES AT COCO MARTIN

Sa pagkamatay ng mortal na kalaban ng Vendetta na si Edu Manzano ay kumalat ang kuwento na tatapusin na raw ang matagumpay na seryeng Ang Probinsyano.

Ano pa raw ang mapapanood kung ganu’ng patay na ang kalabang mortal ni Ricardo Dalisay? Ano pa raw ang bakbakang matutunghayan nila kung ganyan na inubos na ng Vendetta ang kanilang mga kaaway?

Mali ang kuwento. Patuloy pa ring mamamayagpag sa himpapawid ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin. Nakaimbak pala ang mga bagong ideya sa script na siguradong yayakapin pa rin ng manonood.

Sabi ng aming source, “Hindi mauubusan si Coco ng mga bagong ideas. Grabe siyang mag-isip. Napakayaman ng utak ng taong ‘yun!

“‘Yung sinasabi n’yong eksenang nakakapangilabot nu’ng sumuko ang Vendetta? Siya ang gumawa ng camera works nu’n! Top shot talaga, para makita ang sangdamakmak na pulis na pumaikot para pasukuin sila!

“Grabe si Coco hindi lang siya artista ng serye, talagang pinagmamalasakitan niya ang show, hindi siya papayag nang basta-basta lang ang mga eksenang ihahain nila sa manonood!

“Walang kapaguran ang utak ng taong ‘yun! Pagod na pagod na nga siya sa pakikipagbakbakan, pero ang utak niya, gumigiling pa rin para sa mga susunod nilang eksena!

“Anong katapat na show ang tatalo sa isang seryeng mismong bumibida ang nagmamalasakit at nagmamahal?

Meron ba?” tanong-opinyon ng aming source.

Mismo!

Read more...