TATAAS ang singil ng kuryente ng Manila Electric Company ngayong buwan.
Ayon sa Meralco ang singil ay P10.5594 kada kWh mula sa P10.4961 kada kWh o pagtaas na P0.0633 kada kWh.
Nangangahulugan ito ng pagtaas na P13 sa mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Mula sa P5.5973 kada kWh ang generation charge ay tumaas sa P5.6322 kada kWh.
Ang pagtaas ng generation charge ay sanhi ng pagmahal ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market at ang pahina ng poso kontra dolyar.
Tumaas ang singil sa kuryente dahil sa hindi inaasahang pag-shutdown ng ilang planta ng kuryente.
Gaya ng inaprubahan ng Energy Regulatory Commission, ang Feed-In Tariff Allowance ay ibinaba ng P0.0337 kada kWh, samantalang ang Universal Charge-Stranded Debts ay ibinaba ng P0.0163 kada kWh.