Rain or Shine Elasto Painters umusad sa PBA Philippine Cup semis

Laro Lunes (Abril 8)
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Magnolia vs Barangay Ginebra
7 p.m. San Miguel Beer vs TNT

SINANDALAN ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang bench players para patalsikin ang NorthPort Batang Pier, 91-85, at makubra ang unang silya sa semifinals sa kanilang 2019 PBA Philippine Cup quarterfinals game Linggo sa Mall of Asia Arena.

Nagsanib puwersa ang bench players na sina Ed Daquioag, Rey Nambatac at Javee Mocon para maghulog ng 37 puntos para sa Elasto Painters na nagtala ng double-digit lead sa ikalawang yugto at hindi na lumingon pa.

“Before the game started, I told the players the only thing I’m worried about is the first quarter because we haven’t played for at least three weeks,” sabi ni Rain or Shine head coach Caloy Garcia. “I told them at any given time, you just have to step up.”

Naging mabagal ang panimula ng Rain or Shine subalit rumatsada sila sa ikalawang yugto sa pangunguna niNambatac.

Kinamada ni Nambatac ang anim sa kanyang 14 puntos sa ikalawang yugto habang sina Daquioag at Mocon ay nagdagdag ng 15 puntos at walong puntos para sa Elasto Painters.

Read more...