Nadine sa pagiging Darna: Alam kong mapupunta yan sa talagang deserving


HINDI umaasa si Nadine Lustre na siya ang ipapalit ng Star Cinema at ABS-CBN kay Liza Soberano para sa movie version ng “Darna”.

Isa si Nadine sa mga female celebrities na nasa listahan ng posibleng gumanap na Darna matapos ngang umatras sa proyekto si Liza due to health reasons.

Naging matunog ang pangalan ng girlfriend ni James Reid para gampanan ang iconic Pinay superhero nang maglabas ang ilang websites kabilang na ang Inquirer Bandera ng mga survey o poll para sa posibleng pumalit kay Liza.

“My God. I’ve heard about that. I’m really happy that they’re very supportive but I know naman kasi that the role is going to be given to someone who’s deserving and someone who can do it.

“I mean, it doesn’t have to be me. It just has to be someone who can give justice to the role,” ang pahayag ni Nadine sa isang panayam.

Pero handa ba siyang sumigaw ng “Darnaaa!” sakaling i-offer sa kanya? “I don’t know. It depends. I don’t really like saying that I don’t want to do it or not because mapupunta talaga yan sa kung sino ang deserving sa role na yun eh.”

After ng pelikula niyang “Ulan” kung saan nakatanggap siya ng magagandang review, tinatapos na niya ang isa pang bagong movie, “I don’t have a teleserye but I do have a film coming soon, yung ‘Indak.’ It’s a dance-musical with Sam Concepcion.”

Samantala, bukod kay Nadine, marami ring nagsasabi na perfect kay Pia Wurtzbach maging Darna dahil sa kaseksihan nito. Sigurado raw na hindi lang mga bagets ang manonood sa kanya kundi pati mga kalalakihan at katomboyan na nagpapantasya sa dalaga.

May ilan namang nagkomento na mas bagay kay Maja Salvador mag-Darna dahil sa taglay nitong ganda na Pinay na Pinay.

Read more...