‘Lalabas din ang totoo kung daddy at mommy na nga sina Julia at Coco’

BAKIT kaya ayaw manahimik ang kuwentong kapapanganak lang ni Julia Montes? Ang alam ng buong bayan ay bumiyahe sa Germany ang aktres para dala-win ang kanyang pamilya.

Pero parang ayaw nang bilhin ng mga kababayan natin ang unang dahilan ng aktres, mas naniniwala na ang publiko na nanganak nga si Julia, at si Coco Martin ang itinuturong ama ng kanyang anak.

Kung totoo ngang nagdadalantao-nanganak si Julia Montes ay hindi na bago ang kuwento. Taon na ang binibilang ng kanilang relasyon, hindi nga lang sila lantarang umamin, pero alam na alam ng mga kasamahan nilang artista na sila na talaga nu’n pa man.

Kung may katotohanan ang kuwento ng pagsisilang ni Julia, siguro’y humahanap lang sila ng tamang panahon ni Coco para aminin ang totoo, marami silang kunsi-derasyon siguro bago humarap sa katotohanan.

Kung hindi naman totoong nanganak ang aktres ay parolado siya sa mga haka-haka, sa mga pagdududa at bintang at kaya lang siya umalis ng bansa ay para makasama lang talaga ang kanyang pamilya.

Isang araw ay lalabas din naman ang totoo kahit ano pang pagkukubli ang gawin ng kahit sino. Hintayin na lang natin ang pagbibigay ng pahayag nina Julia at Coco Martin para mabigyang-linaw ang isyu.

Read more...