Amerikana ang 'nanay' ng kambal nina Korina at Mar: Tsaka napakahaba ng real name nila | Bandera

Amerikana ang ‘nanay’ ng kambal nina Korina at Mar: Tsaka napakahaba ng real name nila

Reggee Bonoan |April 08,2019
facebook
share this

Amerikana ang ‘nanay’ ng kambal nina Korina at Mar: Tsaka napakahaba ng real name nila

Reggee Bonoan - April 08, 2019 - 12:05 AM


NAKITA naming bumaba ng hagdan sa Corporate 145 Building sa may Mother Ignacia, Quezon City si Korina Sanchez nitong Biyernes. Ayon sa napagtanungan namin ga-ling sa studio ang broadcast journalist.

Nu’ng una ay hindi namin agad nakilala ang maybahay ng senatoriable na si Mar Roxas dahil bumata siya sa tingin namin lalo’t walang make-up.

Binanggit namin ito kay Ms. Korina pero sinagot niya kami ng, “Naku malabo lang ang mata mo.” Sabay dagdag niya ng, “Masaya kasi walang pressure.”

Kinumusta namin ang anak nilang kambal ni Mar na sina Pepe at Pilar, “Hayun, dumating na kami,” saad sa amin.

Nabanggit namin sa kanya ang naging kuwentuhan namin noon (7 years ago) tungkol sa pagpapa-freeze niya ng kanyang egg cells, “Oo nga, heto na, natuloy na,” sambit ni Ms K.

Tinanong namin kung ano ang nationality ng surrogate mother nina Pepe at Pilar, tugon niya, “American, malalaman ninyo rin lahat, magpapatawag ako ng kuwentuhan,” sabi niya sa amin.

Inalam na rin namin kung ano ang tunay na pa-ngalan ng kambal, “Mahaba, eh kasi isinama namin ‘yung names ng lolo and lola, basta sobrang haba.”

Samantala, kasama ng Rated K host ang dalawa niyang pet dogs nang makita namin at huwag ismolin ang mga aso niya dahil may sarili silang mga handler, “Isinama ko sila para maiba naman ang nakikita.”

Kinumusta na rin namin ang ibang alaga nila na itinuturing na rin niyang mga baby, “Hayun, malulusog lahat, buhay pa silang lahat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending