Kung pipirmahan ni Duterte ay magiging isang batas ang panukala na akda nina ACT Teachers Representatives Antonio Tinio at France Castro.
Layunin umano ng panukala na kilalanin ang sakripisyo ng mga Pilipino na nakipaglaban sa mga Amerikano.
Nakasaad din sa panukala ang pagsasagawa ng mga aktibidad ng Department of Education at Commission on Higher Education kaugnay ng pagdiriwang sa tulong ng National Historical Commission of the Philippines.
“As a debt of gratitude for the sacrifices and bravery of the country’s ancestors in resisting and fighting the invading forces in the face of overwhelming odds and giving up their lives defending the ideals of a truly independent nation, every Filipino citizen should repay them by honoring and commemorating their martyrdom and solidarity through the proposed declaration,” ani Tinio.
Mahigit sa 1 milyong Pilipino ang nasawi sa pakikipagdigmaan sa mga Amerikano na nagsimula noong Pebrero 4, 1899.
“The struggle waged by Filipinos to defend the freedom newly-won from Spain and uphold the First Republic of the Philippines against the occupation forces of the U.S. has been described as one of the most heroic struggles ever waged in modern times, a struggle waged against implacable odds and at terrible cost,” dagdag pa ni Tinio.