Kilalang sexy actress gustong dyowain ni general kapalit ng milyones, pamilya bibigyan din ng negosyo

WALANG dudang nakuha ng isang sexy at magandang female personality ang atensiyon ng publiko mula nang regular siyang napapanood sa isang serye.

Dati siyang pasulpot-sulpot lang sa mga palabas ng kanilang network, puwedeng nandu’n siya at puwede ring wala, hindi importante ang papel na ginagampanan niya.

Pero dahil nagmarka ang kanyang role sa isang serye ay nagsimula nang mabulabog ang kamalayan ng mga kalalakihan. Bigla siyang naging bahagi ng basang panaginip ng mga anak ni Adan dahil sa kanyang kaseksihan.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo bang napakarami niyang tinatanggap na indecent proposal ngayon? May isang Boogie Wonderland na kumausap sa kanya, isang general pala ang hibang na hibang sa kanya!

“Handang ibigay sa kanya nu’ng general ang lahat ng mga pangangailangan niya, bibigyan pa ng business ang family niya, langit at lupa ang handang ibigay sa kanya nu’ng military man!

“Ang unang stage pala ng ganu’n, e, ang pagkikita nang personal. Dinner lang muna, tapos, palitan ng cellphone number, tapos, ‘yun na!

“Pero bigo ang matchmaker, kahit isang minuto lang ng buhay ng magandang female personality, e, hindi niya nahingi. Ayaw ng girl, hindi bale na raw siyang magutom, hindi bale na raw siyang maghirap nang maraming taon pa sa pag-arte, pero hindi niya ibebenta ang kanyang katawan.

“Maraming offers sa kanya ngayon hindi lang para sa mga serye at pelikula, mga alok ‘yun na milyones ang involved, pero hindi nasilaw ang girl, walang nagtagumpay na mai-date man lang siya,” buwena manong kuwento ng aming source.

Anumang oras na gusto nang tumalikod sa pag-aartista ang maganda at seksing aktres ay nakaabang sa kanya ang isang napakagandang kinabukasan. Sobrang yaman ng kanyang karelasyon, naghihintay lang sa kanya ang lalaki, kapag ayaw na niyang umarte ay dadalhin na siya sa ibang bansa.

“Nakakabilib ang babaeng ‘yun! Kung mukhang pera lang siya, e, ito ang tamang chance para magkamal siya ng salapi, pero hindi niya ginagawa!

“Napaka-yummy naman kasi niya, yamyamyam talaga ang beauty niya, pero tama ‘yun, huwag siyang magpapadala sa huwad na kayamanan!” pagtatapos ng aming impormante.

Kailangan n’yo pa ba ng clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?

Magpahalik na lang kaya kayo sa girl na ito?

Read more...