Horoscope, April 06, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil birthday mo naman ngayon at malapit na ang halalan hindi masamang sumama sa mga political gathering upang madagdagan ang inyong sigla at sidelines. Sa pag-ibig, habang nagiging aktibo sa mga gawaing panlipunan, isang kayumangging nilalang ang iyong maaakit at hindi ka na niya hihiwalayan. Mapalad ang 3, 6, 19, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Pranidhana-Om.” Pink at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi puwedeng magpa-easy-easy. kung ganyan kang lagi, paano ka yayaman? Seryosohing mabuti anumang ginagawa upang mas madali umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, seryosohin mo na rin ang kasuyong Libra masarap siyang magmahal at masarap din siyang romomansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ujalam-Sarvatha-Om.” Blue at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ngayon pa lang, yakapin na nang mahigpit ang mga mahal sa buhay. Ipalasap sa kanila ang init ng iyong pag-ibig. Magluto ng masarap na ulam at bumili ng ice cream. Ituring mong huling araw na ngayon upang umunlad ka at lumigaya ang buhay sa bawat sandali. Mapalad ang 3, 9, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om” Lilac at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Iwasang ipagmayabang ang kaunting kabuhayan. Mag-ingat sa mangungutang! Panatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig, sapat nang ikaligaya ninyo ng iyong kasuyo na medyo angat na kayo sa buhay. Mapalad ang 5, 14, 28, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Red at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag kang arya nang arya. Hingin mo ang opinyon ng kasuyo bago simulan ang isang mahalagang proyekto. Sa sandaling nag-combine force kayo ng kasuyong Capricorn, mas mabilis na uunlad at aangat ang kabuhayan. Mapalad ang 2, 5, 14, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Arham-Namah-Om.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Bago ka magpayo sa mga kaibigan, payuhan muna ang sarili! Nasa tama at matuwid ka bang landas? Kung hindi, baguhin mo ang iyong istilo ng pamumuhay upang tuloy-tuloy kang suwertehin at magtagumpay. Sa pag-ibig, naghihintay sa iyo ang isang Sagittarius, puntahan mo na siya ngayon! Mapalad ang 6, 19, 28, 23, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avah-Yara-Devah-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Dahil sa pagsisipag, lumilinaw na ang iyong pagyaman! Kapag mayaman ka na, wag kalilimutan ang mga kamag-anak. Sa ganyang paraan, sa iyong pagtanda, may mag-aaruga sa iyo at higit kang mas magiging maligaya. Mapalad ang 5, 17, 25, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Homa-Karin-Japa-Om.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Ang karamdamang nararanasan ay dala ng init-lamig at ng maalinsangang panahon. Kumain ng maraming gulay at prutas at uminom lagi ng maraming tubig. Mamayang gabi, magpahagod ng noo at magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 6, 12, 24, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Dalawin ang isang dating kaibigan. Sa ganyang paraan, may suwerteng balita kang matatanggap na may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, wag nang isama ang kayuso sa pagbisita sa kaibigan baka makihati pa siya ng grasya. Mapalad ang 9, 18, 22, 27, 35 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Deva-Om.” Violet at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kahit na bigo ka sa ngayon, alalahanin mong may bukas pa. Kung bigo at malungkot pa rin bukas, alalahanin mong may mga araw pang darating. Laging maging positibo sa buhay upang tuloy-tuloy na dumating ang suwerte. At kung tagumpay ka naman ngayon, umasa kang tuloy-tuloy na iyan hanggang sa maabot mo ang matagal mong pangarap na pagyaman. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Red at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi lang pera ang mahalaga, mahalaga rin ang pakikipagkapwa-tao. Umpisahan nang tumulong sa mga mahihirap upang kapag namatay ka ay may legacy kang maiiwan. Sa pag-ibig, wag pagsungitan ang minamahal, baka bigla siyang mawala. Mapalad ang 7, 9, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Yama-Om.” Blue at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — May paglalakbay na iaalok ang isang kaibigan. Sunggaban agad kesa tutunga-tunganga ka lang diyan! Sa pinansyal, hindi ka uunlad kung laging nasa bahay lang. Sa pag-ibig, sa malayong lugar matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 4, 31, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babalam-Devah-Om.” Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Dahil tapat ang pag-ibig na inuukol mo sa iyong kasuyo, hindi ka dapat mag-alinlangan sa kanyang pagmamahal. Sabi ng iyong tadhana, anuman ang maganap happy family pa rin ang ending ng lahat – magpa-ice cream ka naman! Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jovecal-Yama-Om.” Yellow at beige ang buenas.

Read more...