Ria na-try na bang gumamit ng gayuma?

BIKTIMA ng “gayuma” si Ria Atayde sa episode ng Ipaglaban Mo na mapapanood ngayong hapon sa ABS-CBN kasama sina Vin Abrenica, Karl Gabriel at John Arcilla mula sa direksyon ni John Lapus.

Base sa trailer nito ay humingi ng tulong si Ria sa albularyong si John para hindi mawalay sa kanya ang asawang si Vin na tila natutukso na sa ibang babae. Pero ang ending ang aktres ang nabiktima dahil hinalay siya.

Tinanong namin kung naniniwala si Ria sa gayuma, “Slight po tita, I’ve never tried so hindi ko po masasabi,” sagot sa amin.

May kakilala ba siya na nagayuma na? “Wala pa po. Baka may science din behind dito, di ba? Hindi ko po alam, eh,” sagot ng dalaga.

Anyway, kumusta naman katrabaho si Vin? “Masarap katrabaho si Vin. On both sa personal and professional level.

Napaka-professional at nakakakonekta po kami sa isa’t isa. So naging magaan at madali ‘yung eksena namin. He’s fun to be around too. I felt like we weren’t really working,” kuwento ng aktres.

Samantala, tinanong namin kung manonood siya sa premiere night ng “Last Fool Show” sa Martes bilang suporta sa mga kaibigan niyang sina JM de Guzman at Arci Muñoz.

“Yes po if I finish my work early that day. I wanna support him and Arci,” saad ng aktres.

Hayan, tiyak na dudumugin si Ria ng media matapos siyang ma-link kay JM. Sila kaya ang magkatabi sa premiere night ng “Last Fool Show”? Kasi for sure, kasama ni Arci ang boyfriend niya na laging nakasuporta sa kanyang career.

Read more...