Nagpunta sa isang barangay sa Batangas ang lead star ng Kapuso primetime series na Sahaya para sa isang “immersion” na isinagawa ng World Vision. Ang WV ay isang global humanitarian organization na tumutulong sa mahihirap na komunidad sa mga probinsya.
Tuwang-tuwa si Miguel nang makilala at maka-bonding ang mga kabataan sa Bugaan West, Sitio Bignay, Laurel, Batangas na tinutulungan ng World Vision.
Personal ding na-experience ng ka-loveteam ni Bianca Umali sa seryeng Sahaya ang ilang livelihood programs na ibinibigay ng World Vision sa mga mahihirap na komunidad sa bansa tulad ng pagtatanim ng iba’t ibang gulay at prutas, paggawa ng mga juice at sauce o sawsawan.