OFW sa London affected sa video scandal ni Jim Paredes

JIM PAREDES

MARAMING Pinoy na naninirahan na ngayon sa iba-ibang bansa ang umalis dito nu’ng kasikatan ng grupong APO Hiking Society kung saan miyembro si Jim Paredes.

Hindi naman kasi talaga matatawaran ang popularidad ng grupo, maraming yumakap sa kanilang mga piyesa, hanggang ngayon ay buhay na buhay ang mga kantang pinasikat nila.

Pero nang lumabas ang sex video ni Jim Paredes ay parang nawindang ang mga tagahanga ng kanilang grupo. Sa kanilang tatlo raw ay siya ang hindi inaasahan ng kanilang mga tagasuporta na gagawa ng ganu’ng klase ng kahalayan.

Ang katwiran ng isang kaibigan naming dekada nang naninirahan sa London na si Jun Torres, “Nagdala ako ng mga albums nila nu’ng mag-decide akong mag-stay na dito sa London.

“Bumili ako ng mga albums nila, pang-alis ng lungkot sa ibang bayan, ‘yun ang pinatutugtog ko dito. Walang pinipiling oras, paborito ko ang mga songs nila, kaya napakatindi ng naging dating sa akin nu’ng lumabas ang sex video ni Jim!

“Sa kanilang tatlo kasi, e, parang si Jim ang pinakaseryoso, mas nagpapatawa pa nga sina Buboy Garovillo at Danny Javier, kaya nakakagulat talaga na siya pa ang na-involve sa ganitong mahalay na sitwasyon,” kuwento sa amin ni Jun Torres.

Oo nga naman.

Read more...