Sino na ang papalit kay Liza bilang Darna?

NGAYONG out na si Liza Soberano sa bagong movie version ng “Darna”, sino na nga kaya ang ipapalit ng Star Cinema para lumunok ng mahiwagang bato?

Ayon sa official statement ng ABS-CBN, kahit na nag-resign na si Liza sa nasabing project, tuloy pa rin ang production nito at maghahanap muna sila ng female celebrity na perfect din for the role.

“The preparation for the “Darna” movie continues as ASB-CBN and Star Cinema remain fully committed in telling the well-loved story of the Filipina superheroine and have started the selection process for the new actress who will bring the iconic character to life on the big screen,” sabi sa statement ng Kapamilya Network.

Balitang magpapa-audition uli ang Star Cinema para pumalit kay Liza sa “Darna”. Nanghihinayang man sa proyekto, kailangang isakripisyo ito ng dalaga dahil baka hindi rin niya maibigay ang kanyang 100% sa pelikula.

“I have decided to withdraw from the project of Darna.I fractured my right index finger, as in nadurog po ‘yong buto, the top part, the bottom, also my joint. Hindi ko po siya nagagalaw.

“I’ve been undergoing therapy. I had surgery twice na po. We’ve been trying to fix it, but lately, these past few weeks, we’ve decided na maybe it’s best if I don’t push through with it, because baka maging hindrance lang po siya for me to be able to do the stunts properly,” ang pahayag ni Liza sa panayam ng ABS-CBN.

Samantala, kanya-kanya namang suggestion ang mga netizens kung sino ang pwedeng pumalit kay Liza as Darna. Yung iba ay gumawa pa ng edited photos ng ilang female stars na naka-costume ng Darna.

Ayon sa mga netizens maaaring isa kina Nadine Lustre, Maja Salvador, Pia Wurtzbach, Yassi Pressman at Jennylyn Mercado ang maaaring pumalit kay Liza sa “Darna” movie.

Read more...