Yoon Kyun Sang pinag-iispan kung tatanggapin ang Mr. Fixed Term

YOON KYUN SANG

Posibleng bumida ang Korean heartthrob na si Yoon Kung Sang sa upcoming K-drama na Mr. Fixed Term.

Kinumpirma ng Popeye Entertainment, ang agency ni Kyun Sang, na masusing pinag-aaralan ng aktor kung tatanggapin ang proyekto. Wala pang final decision si Kyun Sang hinggil dito.

Sakaling tanggapin, gaganap si Kyun Sang bilang isang matagumpay na abogado na nasira ang pangalan dahil sa isang kaso.

Mula sa pagiging abogado, naging isang guro na lamang siya sa isang high school.

Huling napanood si Kyun Sang sa Clean With Passion For Now na nagtapos kamakailan lamang.

Nagmarka si Kyun Sang sa mga K-drama fans dahil sa kanyang sunod-sunod na supporting roles sa Pinocchio (2014), Six Flying Dragons (2015–2016) at The Doctors (2016).

Taong 2017 nang gumanap si Kyun Sang sa lead role na The Rebel (2017).

Nakatakdang umere ang Mr. Fixed Term sa Hulyo.

Read more...