LTFRB official sinuspinde sa katiwalian

SINUSPINDE ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nasangkot umano sa katiwalian.

Tatagal ng 90 araw ang preventive suspensyon ni Samuel Jardin, Executive Director ng LTFRB.

Si Jardin ay nahaharap sa reklamong grave misconduct; receiving for personal use a valuable thing in the course of official duties wherein such gift was given in the expectation of receiving favorable treatment; at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ayon sa alegasyon, humingi umano si Jardin ng P4.8 milyon para sa pag-apruba ng aplikasyon ng Certificate of Public Convenience.

Si Jardin ay pinasasagot sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Transportation sa loob ng tatlong araw.

Sinabi ni Transportation Arthur Tugade na hindi palalagpasin ng ahensya ang anumang alegasyon ng korupsyon.

“The DOTr resounds its stern warning that disciplinary action shall come swift and unrelenting to any official or employee, no matter the rank, for the slightest hint of corruption,” saad ng pahayag na inilabas ng DoTr.

Read more...