Ayaw mag-PPCRV

NAKAKITA na nga kayo ng mga tanda’t pandaraya, di pa kayo naniniwala. Iyan ang Pagninilay saEbanghelyo (Is 65:17-21; Sal 30:2, 4-6, 11-13; Jn 4:43-54) sa kapistahan ni San Macario, Lunes sa ika-4 na linggo ng Kuwaresma.
***
Marahil, naniwala na ang marami; kaya ang isang diocese sa Metro Manila ay nahihirapang maka-enganyo ng bagong mga volunteer (walang suweldo) sa PPCRV para sa halalan sa susunod na buwan. Marahil, sariwa pa rin sa alaala ang pandarayang kinasangkutan ng ilang kasapi ng PPCRV noong 2016, na kumiling sa mga nasa tuwid na daan. Inakalang malinis at MD (maka-Diyos) ang PPCRV, di naman pala.
***
Isa pang problema ng simbahang Katolika ay ang pagpapadala sa lupa ng mga obrero para sa voters’ education. Dalawang linggong tinalakay ito sa isang diocese at ilang pangunahing parokya, pero pabawas nang pabawas ang bilang ng bababa para imulat ang botanteng mahihirap. Di sila masisisi dahil nakita na nila ang daang tatahakin.
***
Isa pang kampanya ay “imulat” daw ang kaisipan hinggil sa “araw-gabing” EJK (wala sa kodigo penal ang EJK; kundi’y homicide at murder). Pero, mismong ang mga nahuli ay umaming user at tulak sila; at ang mga napatay ay nabidyohan na namaril sa mga pulis sa kabila nang kanilang kabobohan sa paghawak ng baril, bukod sa patayang sila-sila (ng sindikato). Pero, pabor ang taumbayan sa “EJK” at sikat pa rin si Duterte.
qqq
Transparency ang misyon ng mga MD. Pero kung mismo ang matataas na lider-layko ng simbahan ang siyang pumipilipit sa koronang tinik ng katotohanan, paano magkakaroon ng veneracion sa adhikaing banal (kuno)? Parang kumuha sila ng patpat (scepter) para ipalo sa kanilang ulo sa ikatlong misteryo ng Hapis.
***
Maraming pagbabagong isinagawa ang Comelec dahil buking na’t kaduda-duda ang resulta ng halalan noong 2016. Sa Mayo, ang mga sistema ng pandaraya na naganap noong 2010, 2013 at 2016 ay maaaring maulit dahil ganoon pa rin ang sistema. Inalis ang PCOS at pinalitan lamang ng VCM, parang magnanakaw na nagbago lang ng pangalan pero nasa lumang katawan pa rin.
***
Hindi apektado ang mga pulis na nakamotor sa pamimilit nina Gordon at JV Ejercito ng malaking plaka. Kailanman, walang plaka ang mga motor ng pulis dahil (1) iwas resbak, (2) ganap ang paniniktik at (3) riding in tandem din, tulad ng nahuling major at kapitan sa Mindoro na pumatay ng isang tao. Ang mga motor ba ng PSG ni Digong at MMDA ay gagamit din ng malalaking plaka? Teka, maaaring mabawasan ang bilang ng motor na may malalaking plaka na pumapasok sa biglang-liko.
***
Napakaraming bota sa MMDA. Bobo, tanga. Pahihirapan nila ang mahihirap at matatanda na sumasakay ng bus pa-Metro Manila. Ang mga bus ay hanggang Santa Rosa, Laguna at Valenzuela lang. Hindi na makararating ng Metro Manila ang mga bus promdi. Mag-eeleksyon, di naisip ng mga bota. Gayundin naman ang ginawa nila sa riders. Bilang resbak, oposisyon ang iboboto ng pinahihirapang mahihirap. Sara, tila may paraan ang langit para di ka maging pangulo.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Sumapang Bata, Malolos City, Bulacan): Hindi nakatutulong ang OSCA sa kapakanan, pagtatanggol at pangangailangan ng matatanda. Kaya ipinasa ng Kamara at Senado ang batas na bubuo sa National Commission of Senior Citizens (NCSC). Kinontra ito dahil sa paunang budget na P500 milyon; at puwede raw ipasa sa DSWD ang ilang mandato ng NCSC. Susmaryosep! Yung DSWD nga, di nakatulong sa senior citizens, ipapasa pa sa kanila ang nadaragdagang pangangailangan ng matatanda? Kahit matatanda ay kaya pang mag-alsa, tulad ng kaisipan ni Melchora Aquino.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Panducot, Calumpit, Bulacan): Sa ala-workshop na tanungan kung bakit iilan na lang ang nagpapakumbaba, ang karaniwang sagot ay: pag nagpakumbaba, mamatahin ka dahil pobre ang tingin ng mata (mata-pobre) ngayon. Isa pang sagot: Jurassic (matagal nang naubos ang dinosaur) ang nagpapakumbaba. Isa pang sagot: wala nang sumusunod sa Diyos.
***
PANALANGIN: Tulungan Mo, San Hugo, na makiisa kami sa pagdurusa ng bayang dinaya.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Ang asawa ko ay ex-madre. Minahal ko siya. Kung nagkasala man siya, patawad Lord. …1285, San Isidro, Bunawan, DC.

Read more...