Paolo, Maine kumasa sa ‘Dalagang Filipina Challenge,’ pampa-good vibes sa Sagada


KUMASA rin sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza sa usung-uso ngayong “Dalagang Filipina Challenge.”

Take note, ginawa nila ang challenge habang naka-break sa taping ng Eat Bulaga Lenten drama episode na kinunan pa sa napakagandang Sagada, huh!

Feeling pa-girl na mahinhin at pa-tweetums sina Pao at Meng sa kanilang video na mabilis kumalat sa social media.

Good vibes ang hatid nila sa challenge na ‘yon kahit ngaragan pa ang taping nila sa Sagada.

Ilang sandali lang matapos i-upload sa Instagram ang video ng dalawang Dabarkads ay sandamakmak na likes at comments agad ang nakuha nito mula sa netizens.

Mula sa Sagada, nag-taping agad ang Phenomenal Star para sa Kapuso sitcom nilang Daddy’s Gurl at sa April 6 naman ay magiging bahagi siya ng MAC Studio Fix event na Master Class 1 sa Glorietta kasama si RB Alonte-Chanco, isang professional make up specialist.

Read more...