‘Nakapangingilabot ang pagsuko ni Cardo sa Probinsyano!’


PALAGING number one na sa survey si Senadora Grace Poe. Napakalakas ng kanyang karisma sa publiko. Panalo ang senadora sa puso ng mga Pilipino.

Pero mas lalakas pa ang kanyang numero dahil sa matinding suportang ibinibigay sa kanya ng sikat na action star na si Coco Martin.

Basta may libreng panahon ang bida ng Ang Probinsyano ay sinasamahan niya sa kampanya si Senadora Grace Poe.

Napakalaki kasi ng utang na loob na tinatanaw ni Coco sa pamilya ng senadora. Sa dinami-dami nga naman ng mga artista ay sa kanya ipinamana ni Manang Inday (Susan Roces) ang mga pelikulang iniwan ng Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr.

Hindi niya puwedeng pabayaan si Senadora Grace, basta kaya ng kanyang schedule ay naglalaan siya ng panahon para sa kampanya ng numero unong pulitiko, at ginagawa ‘yun ni Coco Martin nang walang anumang kapalit.

Gusto lang naming banggitin ang isang eksena sa Ang Probinsyano nu’ng Lunes nang gabi. Hindi namin mabubura sa aming alaala ang nakapangingilabot na eksenang ‘yun ng pagsuko ni Coco bilang si Ricardo Dalisay at ng grupong Vendetta.

Pinalilibutan na sila ng mga otoridad, wala na silang mapupuntahan, isa-isang isinuko ng grupo ang kanilang mga baril.

Top shot ang camera works, sapul nu’n ang malawak na paligid, utak pala ni Coco Martin ang nagtrabaho sa napakagandang eksenang ‘yun.

Kaya naman walang nakatatalo sa rating ng serye. Marami nang tumapat at bumangga sa kanila na suicide lang ang kinahinatnan.

Read more...