Derek Kapuso na, itatambal kay Andrea Torres sa unang serye


KUMPIRMADO nang Kapuso si Derek Ramsay matapos pumirma ng exclusive contract kahapon sa GMA Network.

Sa huling pag-uusap namin ng manager niyang si Jojie Dingcong ay nabanggit na nga nitong may mga inaayos pa sa kontrata ng aktor kaya medyo natatagalan ang paglipat nito.

At ang isa pang dahilan kung bakit sa GMA pumirma ang aktor ay dahil magiging aktibo na rin ang GMA Films. Kasama sa pinirmahang kontrata ni Derek ang paggawa ng pelikula this year.

Ayon sa aktor ay matagal na panahon siyang nawala sa showbiz na kagustuhan na rin niya, mas nag-focus daw siya nitong mga nakaraang buwan sa paborito niyang sport, ang golf.

Pero ang magulang niyang sina Mr. Derek Ramsay Sr. at Gng. Remedios “Medy” Baggao-Ramsay ang nag-push na bumalik siya sa showbiz at tanggapin nga ang alok ng GMA. Kasama ni Derek ang kanyang parents sa contract signing niya kahapon, ang manager niyang si Jojie at ang kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca.

Bukod sa magulang ng aktor ay humingi rin siya ng payo sa mga kaibigan niyang nakaranas na ring magtrabaho sa Kapuso network.

“After the meetings, after nakausap ko na ‘yung mga bosses, my dad and my mom was like, ‘You know, Derek should do this.’

“Kasi ako, parang I think it’s time for me to hang up everything and then go for my dream of becoming a pro golfer. I really want to try to becoming a pro golfer.

“But after sitting down with family I was so shocked kasi I thought they would be so happy because they could get to see more of me. So they were very, very pushy na gawin ko ‘to and now that I’ve made the decision, they are very, very happy,” kuwento ni Derek.

Dagdag pa niya, “It’s so surreal right now. It’s unbelievable. I’ve been waiting for a long time for this day.”

Para sa unang proyekto ng aktor sa GMA, bibida siya sa isang sex-drama series kung saan makakatambal niya ang sexy actress na si Andrea Torres. Challenging daw ang role nila ni Andrea sa serye na siguradong ikagugulat ng mga manonood.

Read more...