PNP handang imbestigahan kung paano kumalat ang sex video ni Jim Paredes

JIM PAREDES

SINABI ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda nitong imbestigahan kung kumalat sa social media ang sex video ni Jim Paredes sakaling humingi ng tulong ang singer sa mga otoridad.

“Kung mangyari man na talagang hihingi [siya] ng tulong, nakahanda po ang PNP na umalalay at imbestigahan ang pangyayari,” sabi ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac.

Idinagdag ni Banac na wala pa naman silang natatanggap na pormal na reklamo mula kay Paredes.

Noong una’y sinabi ni Paredes na peke ang video, bagamat kalaunan ay inaming siya nga ang nasa viral sex video.
Sinabi ng singer na hindi niya alam kung paao kumalat ang video, na aniya’y “not meant for public consumption.”

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Banac ang publiko na iwasan ang pagsi-share ng sex videos.

“Sa pangkalahatan, ang paalala natin sa lahat kapag may mga ganitong mga pribado na issues, kung maaari lang po ay wag na natin itong gamitin, wag ipaikalat, bilang mga responsableng netizens na gumagamit ng social media,” ayon pa kay Banac.

Read more...