Direk Joel igagawa ng MMFF movie sina Nora, Tirso at Boyet

NORA AUNOR

UNDERRATED actress si Snooky Serna para sa award-winning director na si Joel Lamangan.

Si Snooky ang bida sa bagong project ng Heaven’s Best Entertainment, ang “In The Name of the Mother” kung saan siya ang director.

Bakit si Snooky ang napili nilang bumida sa movie?

“Isa si Snooky sa underrated para sa akin. Underrated na aktres. Naniniwala ako sa acting niya. Isa siya sa pinakamahusay na artista natin sa bansa na hindi na masyadong napapansin ngayon ng viewers.

“Saka ‘yung edad ni Snooky ‘yun ang bagay sa role. Kasi si Snooky, parang motherly ang ambience. Walang taray. Kaya siya ang bagay rito,” pahayag ni direk Joel.

Ayon sa balita, isasali ang movie sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 dahil ayon sa premyadong director, kung gagawa muli ang Heaven’s Best ng para sa December festival, gusto niyang maging artista sina Tirso Cruz III, Christopher de Leon at Nora Aunor.

Anyway, makakasama ni Snooky sa “In The Name of the Mother” sina Gardo Versoza, Diana Zubiri, Pancho Magno, child actor Miggs Cuaderno at marami pang iba.

Read more...