Maine tuwang-tuwa nang maka-bonding si Apo Whang-od, pero ayaw magpa-tattoo

PROUD na proud si Maine Mendoza dahil personal niyang na-meet si Apo Whang Od, ang sikat na sikat na tattoo artist hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang bahagi ng mundo.

Ibinahagi ng Phenomenal Star ang picture nila ng 102 years old tattoo legend na sinasabi ring pinakamatandang mambabatok sa kanilang tribu sa Benguet.

“Kalinga’s 102-year old tattoo legend – the last and the oldest mambabatok of her tribe – Apo Whang Od,” caption ni Maine sa IG photo nila ng matandang mambabatok.

Naganap ang pagkikita nilang dalawa habang nasa Mt. Province si Meng kasama si Paolo Ballesteros para sa taping ng Eat Bulaga Lenten drama episode nila.

Pero hindi nagpalagay ng tattoo si Maine hindi gaya ni Paolo na tinatuan na ni Apo Whang Od eh, nahipuan pa, huh!
Caption ni Pochoy sa litrato nila ng mambabatok na kanyang ipinost sa Instagram, “Mabilis talaga ang kamay ni Apo Whang-Od!”

Well, girl si Meng kaya walang hipuang naganap sa pagitan nila ng legendary tattoo artist, huh!

Abangan na lang natin kung anong paandar nina Maine at Paolo sa ginawa nilang Holy Week drama sa Mt. Province at kung kasama rin ba si Apo Whang Od sa kanilang episode.

Read more...