Kontrobersyal na male celebrity nawalan na nga ng career hiniwalayan pa ng dyowa

SA isang matinding pagkakamali lang ay siguradong wasak agad ang imahe ng isang artista.

Magsising-alipin man siya sa bandang huli ay tapos na ang kuwento, nahusgahan na siya, namantsahan na ang kanyang pangalan.

Maraming nanghihinayang sa kinahantungan ng isang male personality na hindi lang basta nagkamali, nagpalutang pa siya ng kaangasan, kaya maraming nanggigigil sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Actually, matagal na ang kaangasan ng lalaking ‘yun, pero ngayon lang lumabas.

“Sorry na lang sa kanya, men in uniform ang natapatan niya, kaya nakalusot na naman siya.

“Pero dati na siyang ganyan. Sumasali pa lang siya nu’n sa isang talent search, e, ramdam na ang kakaiba niyang kaangasan. Naitago lang niya ‘yun nang matagal na panahon, hanggang sa heto, nakatiyempo siya ng pangyayaring tumapos sa kanya,” simulang chika ng aming impormante.

At hindi lang ang kanyang career ang nakalutang ngayon, pati ang kanyang lovelife ay apektado na rin, dahil kinalasan na siya ng kanyang non-showbiz girlfriend.

“Kaninong parents ba naman ang mapa-proud sa ginawa ng mokong na ‘yun? Mali na nga, nagyayabang pa, tumakbo pa, sino ang magkakagustong magulang sa ganu’ng lalaki para sa anak niya?

“Natural, kinausap ng parents niya ang girl, pinagpaliwanagan, sinabihan na makipaghiwalay na sa naging kontrobersiyal na pagmamaangas ng boyfriend niya!

“Sinunod ng girl ang magulang niya, kinausap ang male personality, du’n tinapos ng babae ang relasyon nila. Natural, feeling iniwan sa gitna ng laban ng GF ang aktor, di ba?

“Pero dapat niyang malaman na ganu’n talaga, napakalaki ng ginagampanang role ng image sa buhay ng mga artista. Kapag pumasok na ang public perception, tapos na ang artista.

“Kaya lutang na lutang ngayon ang male personality na naka-hang na ang career, nawalan pa ng karelasyon! Ganu’n ang mangyayari talaga sa mga taong inuuna ang kayabangan!

“Mga amigo at amigang Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, walk in the park ang ating BI, di ba naman?

Read more...