Tips para sa tamang paghahanda ng pagkain

PANAHON na naman ng tag-init. Ibig sabihin, panahon na naman para sa bakasyon at mga outing.

Kaya naman tuwing outing, maraming pagkain ang inihahanda na pambaon, pero kung minsan ito ang nagiging sanhi ng mga food poisoning.

Anu-anong mga paraan para hindi ka mabiktima ng food poisoning.

Narito ang ilang paalala na dapat tandaan para sa ligtas na paghahanda ng pagkain:

1. Hugasan ang kamay gamit ang sabon at tubig bago humawak ng pagkain. Iwasan din ang humawak pa sa kung saan-saan matapos maghugas ng iyong kamay.

2. Tiyakin na malinis lahat ng gagamiting mga bagay sa paghahanda ng iyong lulutuin mula sa kutsilyo, sandok, kutsara, tinidor, plato at maging sankalan.

3. Takpan ang pagkain para hindi dapuan ng langaw at iba pang insekto.

4. Tiyakin na ang bibilhing mga lulutuin ay presko.

5. Ilagay sa freezer ang karne at isda na hindi pa kakainin para hindi masira.

6. Lutuing mabuti ang karne at siguruhin na ito ay “well done” at hindi “medium rare”.

7. Ihiwalay sa lutong karne ang hilaw na karne. Posible kasing may mikrobyo ang hilaw na karne tulad ng salmonella na puwedeng malipat sa lutong ulam.

Read more...