Tom, Janine gugulatin ang mga viewers ng ‘Dragon Lady’

SIGURADONG ikabibigla ng Kapuso viewers ang mga susunod na eksena sa GMA Afternoon Prime series na Dra-gon Lady after Eat Bulaga.

Ngayong unti-unti nang nagkakalapit sina Celestina (Janine Gutierrez) at Michael (Tom Rodriguez), asahan ang mas matitindi pang pagsubok ang kanilang haharapin lalo na kapag nalaman ni Astrid (Joyce Ching) ang tungkol sa kanila.

At paano nga ba nila ipagtatapat sa kani-kanilang pamilya ang tungkol sa kanilang relasyon? Matanggap kaya ng magulang ni Celestina si Michael lalo na kapag nagkaalaman na tungkol sa kanilang mga nakaraan.

Tutukan ang mas tumitindi pang mga kaganapan sa pagpapatuloy ng Dragon Lady tuwing hapon sa GMA 7.

Read more...