Sigaw ng netizens kay Claudine: Please lang, patahimikin mo na ang kaluluwa ni Rico Yan!

CLAUDINE BARRETTO AT RICO YAN

NAG-POST ng throwback photo nila ni Rico Yan si Claudine Barretto sa kanyang Instagram account.

“March 29, 2002 the day my heart broke into pieces. #foreverloved #neverforgotten @tinamarieyan.”

That was Claudine’s caption. Namatay si Rico noong petsang binanggit ni Claudine. He was her boyfriend then. Na-shock ang marami dahil nakabakasyon lang ang actor kasama ang best friends na sina Marvin Agustin at Dominic Ochoa.

Anyway, nagalit ang ilang netizens sa pag-post ni Claudine ng photo nila ni Rico. Ginagamit pa rin daw niya ito kahit patay na.

“Ngayon na hiwalay na Kay Raymart si Rico naman ngayon. Ang My luv & my life always and forever. Lol! Muntik nako malaglag sa chair. Kakatawa!!!

“Oh ano nagsisisi kanaba? Namatay si Rico dahil sayo. Sa sobrang sama ng loob sayo. Jusko 2009 isang buwan laman ng mga tabloid yan. Patahimikin muna yung patay! Alam ng boung Pilipinas nang mamatay si Rico may Raymart ka na. Hahahaha.”

“Malalaman mo ang halaga ng isang tao pag nawala sa yo. I think Claudine realized she should have stayed with Rico not the other guy.”

“Hey stop bringing the past… he’s gone now. Think of his fa-mily who might not want this… be sensitive… just keep it to yourself … or you may be accuse of using him to get back to showbiz! Pathetic!”

‘Yan ang hanash ng bashers ni Claudine.

May nagtanggol naman sa aktres.

“We don’t really know what happened in the past kasi pare-pareho lang naman tayo na nakikibalita noon o should I say umaasa sa mga balita at chismis. So don’t be judgemental. It’s her IG, she has the right to post anything that she wants and delete offensive comments. Unfollow nyo na lang sya kung ayaw nyo.makakita ng post nya about RY.”

Read more...