SINUPORTAHAN ng mga sikat na Kapamilya stars ang premiere night ng pelikulang “Eeerie” nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio. Ilan sa nakita namin ay ang pambatong loveteam ng Star Cinema na sina Enrique Gil at Liza Soberano, McCoy de Leon, Kisses Delavin, Darren Espanto at Joshua Garcia.
From his two award-winning films “Birdshot” and “Neo-Manila,” looking forward na kami sa mga susunod na pelikula ni Direk Mikhail Red. So, nu’ng inimbita kami ng “dean of local entertainment press” na si Manay Ethel Ramos sa premiere night ng kanyang latest film sa SM Megamall cinema ay talagang watch kami.
In fairness, ‘di naman kami binigo ni Direk Mik after watching “Eerie.” Two thumbs-up kami para sa technical aspect ng movie. Flawless ang cinematography and scoring na talagang nagpa-eerie sa feeling namin.
Isa sa mga paborito naming part sa movie ‘yung “posporo scene.” Grabe ang sigawan ng mga manonood sa loob ng sinehan and first time kaming nakapanood ng ganu’ng eksena in a horror film.
Napakahusay din na nailahad ang kwento ng batang nagpakamatay na si Erika or si Eri (Gillian Vicencio), ni Teacher Pat (Bea), ni Clara (Mary Joy Apostol), kay Joyce (at ng principal na si Sol Alice (Charo).
Mahusay ‘yung tatlong estudyante sa movie na sina Erika, Joyce and Clara. Si Mary Joy ang bida sa “Birdshot” ni Direk Mik.
Hindi nasayang ang gabi namin sa panonood ng “Eeerie”. And hopefully, suportahan ng publiko ang movie dahil bihira na talaga ang ganitong “katino” na local horror film.
Anyway, sa cast party ng “Eeerie” ay natanong namin si McCoy kung ano ang reaction niya sa napabalitang once a week na appearance na lang ng grupo niya na Hashtags sa It’s Showtime.
Sumabat agad ang babaeng kasama si McCoy na ewan kung handler niya or what. Management daw ang dapat sumagot sa tanong namin na sinang-ayunan naman ng aktor.
“Opo, ang management po ang nakakaalam. Pero ‘yung sa amin naman, kumbaga, pinapaganda ang Showtime. Bagong Showtime naman po siguro,” sagot ng binata.
Pero bago pa sabihin sa amin ‘yun nu’ng girlash na kasama ni McCoy, natanong na namin ang executive producer ng Showtime na si Peter Dizon about it.
“Hi, Tita Julie, for Hashtags and Girltrends, they are still everyday on Showtime. Sila ang hosts sa Showtime online. For their production number talagang pinaghahandaan ngayon,” paliwanag ni Peter.
Nagsimulang kumalat ang isyu sa “pagdalang” ng appearance on TV ng Hashtags after ng grand finals nu’ng nakaraang Miss Q and A.
Diumano, nagalit si Vice Ganda dahil ‘di available ang ilang Hashtag members para sa big production for the opening ng show na ginanap sa Araneta Coliseum particularly ang member na si Kid.
Ayon sa aming source, tinalakan daw ni Vice ang lahat ng Hashtags pati na ang kanilang respective handlers and managers. From then on, nag-decide diumano ang management na once a week na lang sila aapir sa noontime show.
Dami na raw kasing ganap ng Hashtags kaya ‘di na napa-prioritize ang Showtime especially ‘yung mga sikat na members ng grupo na left and right ang raket. Kaya parang ‘di rin naman daw affected ang ilang members ng grupo na busy sa kanilang career.
Ang affected diyan ay ang ibang members na wala namang masyadong ganap sa career nila.