Martir na aktres na kayod-kalabaw ayaw pa ring iwan ang asawang tambay


ISINASALI na rin ngayon ng marami niyang katrabaho sa listahan ng mga martyr na misis ang isang female personality na palaging nangangailangan ng raket.

Talagang walang sinasayang na panahon at pagkakataon ang babaeng personalidad, lahat ng raket ay tinatanggap niya, dahil siya lang ang kumakayod sa kanilang pamilya.

Kuwento ng aming source, “Basta kaya pa ng schedule niya, walang tinatanggihan si ____ (pa-ngalan ng female personality), kinukuha niya ang trabaho dahil nanghihinayang siya.

“Kailangan niyang kumayod nang double time, maraming bibig na umaasa sa kanya, kasali na ang mister niya na walang trabaho pero napakikinabangan naman niya sa ibang bagay.

“Kung babad siya sa work, ang husband niya naman ang bantay-bahay, siya ang nagluluto, naglalaba, nag-aalaga sa mga anak nila at kung anu-ano pang trabaho na hindi na nga nagagampanan ni misis sa dami ng tinatanggap niyang raket.

“May pag-uusap na sila, tanggap na ni misis na siya lang ang inaasahan ng pa-milya nila, pero hindi niya iniintindi ang pagod, hindi ‘yun magiging dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa,” unang chika ng aming source.

Loyal sa kanyang mister ang kilalang babaeng personalidad, kahit pa may mga bumubulong sa kanya na bakit kailangang siya ang magpakamatay sa pagtatrabaho, samantalang nandiyan naman ang lalaki ay wala siyang pakialam.

Patuloy ng aming source, “Kahanga-hanga ang babaeng ‘yun, matatag siyang makipagrelasyon, talagang hindi siya makapapayag na masira ang pamilya nila nang dahil lang sa walang trabaho ang husband niya.

“Ibang klase siyang manindigan, mahal na mahal niya ang husband at mga anak nila, wala siyang pinagsisisihan sa pinasok niyang buhay.

“Dapat siyang tularan ng mga babaeng madaling sumuko, dapat siyang maging idolo ng mga babaeng konting bagay lang, e, pakikipaghiwalay na agad ang nasa utak!

“Tularan dapat nila ang female personality na ito na kayang tiisin ang lahat para lang manatiling buo ang pamilya nila. Siya na rin naman ang palaging nagsasabi, ‘Takot ako, eh!’ Gets n’yo na kung sino siya?” pagtatapos ng chikadora naming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na!

Read more...