Kiray: Kung hindi mo tatanggapin ang sarili mo, kawawa ka!

“KUNG hindi mo tatanggapin sa sarili mo kung ano’ng meron ka, kawawa ka!” Yan ang advice ni Kiray Celis sa mga tulad niyang hindi biniyayaan ng katangkaran at mahahabang legs.

Ayon sa Kapuso comedienne, sa kabila ng kanyang mga kakulangan sa pisikal na aspeto, love na love pa rin niya ang kanyang katawan.

Sa panayam ng Kapuso ArtisTambayan sinabi ni Kiray na ang isa sa mga sikreto niya ay ang pagiging confident anytime, anywhere, “Sa aming mga maiikli ang mga legs and arms, aminado naman ako dahil kung hindi mo tatanggapin sa sarili mo, kawawa ka.

“Hindi dapat pinipilit ‘yung mga damit na hindi talaga dapat bagay para sa proportion ng katawan mo kagaya ng mga malalaking pants,” chika ni Kiray.

“Hindi ‘yun bagay sa amin kasi ang liit na nga namin tapos ang luluwag pa ng pantalon. Siguro more on fit na pants para nakikita talaga na may legs, gaano man kaikli ‘yan, may legs ka pa rin.

“Pero naniniwala ako sa kasabihan na minsan kasi ‘pag trip ko, kung ano’ng damit ko kahit hindi bagay sa akin, dadalhin ko ‘to kasi kaya ko ‘to. So kung ano ‘yung maiisip mo sa sarili mo, iyon din ‘yung maiisip sa’yo ng tao.

“Kaya kung mayroon kang confidence sa sarili mo, mabibigay mo iyon sa ibang tao at iyon rin ang ibibigay nila sa yo at kung nahihiya ka sa sarili mo, wala talagang papansin sa ‘yo kasi sarili mo nga hindi mo magustuhan, paano ka magugustuhan ng ibang tao?” paliwanag pa ng komedyana.

Read more...