ANG bongga ng regalo ng isang sikat na aktres sa kanyang boyfriend. Isa lang naman itong massage chair na nagkakahalaga ng P480,000.
Actually hindi namin alam na para pala sa dyowa niyang sikat na aktor ang binili niyang massage chair kung hindi pa binanggit ng kilala naming supplier kung saan ito idineliver.
Naisip namin, hindi naman sa binanggit na lugar ng supplier nakatira ang sikat na aktres at saka namin naalala na doon nga pala nakatira ang boyfriend niyang aktor.
Aksidente lang namang naitsika sa amin ng supplier ng massage chair na may order ang sikat na aktres sa kanila.
“Actually, naghahanap ng pangregalo si ____ (sikat na aktres) at ‘yung PA (personal assistant) niya. Tapos nu’ng alukin siya nu’ng staff namin para subukan ‘yung high-end massage chair, e, tumanggi na at tinanong kung magkano at dahil may promo that time kasi December, so discounted ng 20% kaya less than P400K ang binayaran niya,” kuwento ng aming source.
Sabagay kaysa magpunta sa kung saan-saang spa o massage salon ang dyowa niyang aktor, e, mas maganda nang sa bahay na lang ito magpamasahe habang nagpapahinga galing sa kaliwa’t kanang trabaho.
q q q
“ANG bilis magpalit ng mga programa ang GMA, ‘yung mga mahihina tsugi agad.” Ito ang tsika ng aming source.
Nabanggit niya ang programa ni Kyline Alcantara, ang Inagaw Na Bituin na 10 weeks pa lang sa ere ay tatapusin na raw, hindi man lang umabot ng isang season.
“Ganu’n ang istilo ng GMA kapag hindi raw nag-rate, papalitan agad para hindi na lumaki pa ang gastos,” pahayag sa amin.
Teka, hindi ba’t ang sabi nila ay sikat si Kyline dahil lahat ng mall at provincial shows nito ay dinudumog ng kanyang fans?
“Ibig sabihin hindi pa niya kayang magdala ng show. At ibig sabihin, hindi rin siya umubra sa katapat na programa ng Dos,” saad pa sa amin.
Dagdag pa ng kausap namin, “Make sense din naman di ba? Bakit mo papatagalin ang isang programa kung lugi ka na. E, di tapusin na para hindi na lumaki pa ang mawawalang budget.”
Ibig bang sabihin nito, naaagaw na rin ng ABS-CBN ang afternoon slots mula sa GMA 7? Dati kasi ang mga teleserye sa hapon ng Siyete ang namamayagpag sa rating pero mukhang nanganganib na itong mapasakamay ng Kapamilya Network.
Kailangang makaisip ang GMA ng mga bagong konsepto para makabawi agad sila sa mga natalo nilang programa.