Gretchen bagong negastar, mas lalong napasama dahil sa pang-aaway kay Marjorie


TULAD ng alam ng lahat, ngangers ang inani ng kampo ni Bongbong Marcos sa naging resulta ng inihain nitong electoral protest laban kay VP Leni Robredo.

Nataon pang ika-1000 araw ng filing, the unfortunate outcome of which ang tila malamig na tubig na ibinuhos kay Bongbong favoring his vice presidential opponent.

If the ballots have spoken. Tapos na ang boksing, ‘ika nga, kaya mga beshie, magsiuwian na kayo!

Of course, walang pinakaapektado rito kundi ang pamilya ng dating senador most especially his elder sister Imee na umaasang siya ang uupo sa binakanteng puwesto ng syupatembang.

For sure, karagdagan pa ito sa ngarag na ngarag nang byuti ng gobernadora as her brother’s fate is a foreboding of things to come. In short, masamang pangitain.

Bongbong’s validated defeat negates Imee’s campaign battlecry, hindi niya keri ang nagbabadyang pangungumusta sa kanya ni “Luz Valdez”!

q q q

Will somebody please make Gretchen Barretto realize na ang inilalako niyang kasiraan ng kanyang mismong kadugo is her own destruction?

Ano’ng gusto ni Gretchen na isipin ng madlang pipol, na sila-silang sa iisang sinapupunan nanggaling with their umbilical cords connected to each other ay kulang na lang magpatayan?

Minsan nang itinuring ni Gretchen na tegi na si Claudine. Dahil nagkabati na sila, muling “nabuhay” si Claudine pero “pinatay” naman niya si Marjorie.

Worse, Gretchen sees no re-conciliation with Marjorie in the offing anymore. Ang tindi naman ng galit niya sa kapatid!

Sige, for the sake of argument, ipagpalagay na nating may nagawa si Marjorie na walang kapatawaran sa mata ni Gretchen, should the latter take to the media (particularly over DZMM) all her grudges against an immediate kin?

If it’s a family issue, therefore, it should be threshed out and dealt with within the privacy of their home.

Why invite non-fa-mily members, let alone virtual strangers, to a supposed issue na hindi dapat for public consumption?

Mas nakuha pa tuloy ni Marjorie ang simpatya at pang-unawa ng publiko, sabihin na nating isa siyang napakasamang kapatid.

Respeto na lang sana ‘yon ni Gretchen accorded to their pa-rents who feel as much or even more hurt sa ginagawa niya kay Marjorie.

Kunsabagay, Gretchen has yet to smoke the peacepipe with Daddy Miguel and Mommy Inday.

q q q

Natawa naman kami sa campaign tool para isulong ang mayoral bid ni Chet, kuya ni Sharon Cuneta, sa Pasay City.

Let’s face it, nakaangkla ang kampanya ni Chet on his sister. Kalat na kalat na ang may recall na katawagan sa kanila: “ChetSharon,” katunog ng chicharon.

Madali nga namang tandaan ‘yon. Short but with impact. But this campaign moniker has to be coupled with strength in visibility, hindi ‘yung basta mapapadaan lang si Chet at ang kanyang pangkat sa mga kalye o iskinita whose obscure names (in short, mga da who) ay dapat matulad din sa mga naglalakihang plakang nakabalandra sa mga motorsiklo.

ChetSharon? Beer please.

Read more...