Totoo ba, teleserye nina Kyline at Therese sa GMA tatapusin na?

KYLINE ALCANTARA AT THERESE MALVAR

KAWAWANG Kyline Alcantara. Malapit na raw kasing matsugi ang pinagbibidahan niyang teleserye kasama si Therese Malvar.

Kalat na sa social media na nasa chopping board na ang kanyang afternoon soap na hindi nagre-rate. If rumors are true, hindi magtatagal sa one season ang teleserye. Instead na one season kasi na equivalent to 13 weeks ay magiging 10 weeks na lang daw ito sa ere.

Ang mababang rating ang sinasabing dahilan kung bakit “goodbye na sa mga fungi” ang drama nito sa ere. Inilalampaso kasi ito ng katapat na serye sa Dos. Isa pa, wala ring masyadong commercial na pumapasok sa show.

With that, walang mas mabuting gawin kundi tsugihin na lang ito.

Kasi naman ay hinog sa pilit itong si Kyline. Ang akala siguro ng GMA 7 ay naka-jackpot na sila nang medyo magkapangalan ang dalaga kaya minadali nila ang pagbibida nito.

Bukod sa teleserye, kasama rin si Kyline sa dalawang musical variety show ng Siyete kahit na hindi naman ito kagandahang kumanta at sumayaw. Lait nga ang inabot ng show ni Kyline mula sa netizens.

“Maganda lang ang trailer tas nung umere na weekdays, wala na. Kung ano ano lang ginawa ng writer, inumpisahan agad ng pasabog eh wala na tuloy twist kaya ngayun no choice na kundi tapusin.”

“Ang ganda kasi ng kwento ng Kadenang Ginto. Ito walang ka appeal appeal.”

“Walang appeal sa tao. Magagaling sina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon pero yung mga bida walang impact sa tao.”

Read more...