MALAKAS ang ikot ng kuwento na ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng isang showbiz couple ay ang pagiging tamad sa pakikipagniig ng aktor.
Nu’ng mga unang taon ng kanilang pagsasama ay okey naman ang male personality, naibibigay naman niya ang pangangaila-ngan ng kanyang misis, pero pagkaraan lang
ng tatlong taon ay para na siyang naging manhid.
Hindi puwedeng kuwestiyunin ang gender ng aktor, lalaking-lalaki siya, hindi maaaring sabihin na hindi babae ang kanyang hanap.
Kuwento ng aming source, “Naku naman, kasali siya sa listahan ng mga artistang machung-macho talaga.
Walang puwedeng magduda sa pagkalalaki niya.
“Pero ‘yun nga ang kuwento, may napagsabihan ang isang friend nilang mag-asawa na isa pala sa mga dahilan ng paghihiwalay nila, e, ang pagiging tamad sa kama ng guy.
“Yes, palaging bigo sa kanya si misis, nasa tamang mood ang wife niya, pero siya naman ang walang planong gumawa sila ng baby.
“Hindi naman siya pagod na pagod sa maghapon, wala naman siyang masyadong trabaho, pero ewan kung bakit napakaaga niyang nagsawa sa sex.
“Natural, inipon lang nang inipon ng wife niya ang ganu’ng inis, hanggang sa one day, nagdesisyon na ang girl na tama na, pagod na siya, kaya nakipaghiwalay na siya sa guy,” unang kuwento ng aming source.
May mga pagkakataon pala nu’n na nawawalan na ng tiwala sa kanyang sarili ang female personality, nagtatanong ito sa kanyang mga kaibigan kung mukha na ba itong losyang, kaya nagkakaganu’n ang kanyang mister?
Patuloy ng aming source, “Sa ganda nga ba naman niyang ‘yun, e, hindi niya maintindihan kung bakit wala nang kagana-gana sa kanya si mister.
“Sexy pa rin naman siya, makinis at maganda, pero bakit nagkaganu’n ang husband niya? ‘Yun ang hindi maintindihan ng girl.
“Pareho silang ma-gandang tingnan bilang mag-asawa, pero sa likod pala nu’n, e, ang pagiging walang gana sa kama ng guy. Madali nga lang kaya siyang magsawa o talagang malamig ang kanyang libido?
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, buti na lang at hindi hinampas ng bareta sa ulo ng girl ang husband niya sa sobrang pagkainsulto!” pagtatapos ng aming impormante.