Pekeng Martin del Rosario sa Facebook buking

MARTIN DEL ROSARIO

Nabahala ang Kapuso leading man na si Martin del Rosario nang makarating sa kanya na may gumagamit sa pangalan niya at mga litrato sa social media.

Ayon sa binata, mag-ingat sa isang Facebook account under his name na may mga litrato na kinuha sa kanyang Instagram account.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, binalaan ni Martin ang mga netizens sa poser niya sa Facebook. Aniya, “This FB account is pretending to be me. I don’t have a Facebook account.”

Nababahala si Martin na baka raw gamitin ng nasabing pekeng FB account ang kanyang pangalan para makapanloko ng mga tao kaya agad niyang ipinaalam sa publiko na may nagpapanggapa na Martin del Rosario sa FB.

Kamakailan, binigyan din ni Judy Ann Santos ng warning ang madlang pipol sa isang Facebook page na nakapangalan sa kanya.

Aniya, “I do not have any personal Facebook account that’s public. Pls. Be careful of scammers.”

Read more...