Isinagawa ng mga pulis mula Tinglayan, Lubuagan, Pasil, at Balbalan, kasama ang Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency, ang operasyon sa Brgy. Loccong, mula Martes hanggang Huwebes.
Nabunot ng mga operatiba ang 337,700 fully-grown marijuana sa mga tanimang ay kabuuang sukat na 18,550 square meters, ayon kay Brig. Gen. Ephraim Dickson, direktor ng Cordillera regional police.
Bukod dito, nakasamsam pa sila ng 20,000 gramo ng marijuana stalks at 5,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, aniya.
Ayon kay Dickson, magpapatuloy ang operasyon lban sa pagtatanim ng marijuana at regular na bibisitahin ng pulisya ang mga plantasyon.