The mayor reiterated her commitment to strengthening the city’s competitiveness as an employer that can match the private sector’s drawing power for the best and brightest recruits.
Binigyang-diin ni Mayora Abby na mananatili siyang tapat sa kanyang pangakong palakasin ang pwersa ng pamahalaang lungsod bilang employer na kayang makipagsabayan sa kakayahan ng pribadong sektor na makakuha ng mahuhusay at matatalinong manggagawa.
Muling inilahad ni Mayor Abby ang kanyang tapat na layuning palakasin ang kakayahan ng pamahalaang lungsod upang makipagsabayan sa pribadong sektor sa pagkuha ng mga mahusay at matalinong manggagawa, tungo sa lalong pag-angat ng kalidad ng serbisyo sa lungsod.
Ayon sa alkalde, upang makakuha ng mga primera klaseng manggagawa at mapanatili sila sa kanilang mga trabaho, kailangang mabigyan sila ng seguridad sa trabaho at mga oportunidad para sa pag-unlad sa kanilang propesyon.
Kabilang sa huling batch na naaprubahan noong March 19, 2019 ang 13 na kawaning na-regular at 105 na na-promote.
Sinabi ni Mayor Abby na ang mga aplikasyon ay dumaan sa matamang pagsusuri ng Human Resource Development Office (HRDO) at ng Human Resource Merit Promotion and Selection Board, upang masiguro na lahat ng mga kandidato ay kwalipikado ayon sa Civil Service guidelines.
Batay sa mga rekord ng HRDO, ang halos 1,000 kawani ng City Hall na-regular at na-promote sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Abby ay mula sa iba’t ibang mga tanggapan at institusyon ng pamahalaang lungsod.
Kabilang dito ang Makati Social Welfare Department, Disaster Risk Reduction and Management Office, Urban Development Department, Department of Environmental Services, Makati Health Department, Ospital ng Makati.
University of Makati, Youth and Sports Development Department, Makati Action Center, Information and Community Relations Department, Public Employment Service Office, Economic Enterprise Management Office, Public Safety Department, Museum and Cultural Affairs Office, Human Resource Development Office, General Services Department, Veterinary Services Office.
Office of the Building Official, Department of Engineering and Public Works, Business Permit Office, Accounting Department, Assessment Department, Budget Department, Finance Department, Law Department, Office of the Mayor, Office of the Vice Mayor, Office of the City Administrator, Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod, iba’t ibang tanggapan ng City Councilors, at Liga ng mga Barangay.
Noong 2017, sinimulan ni Mayor Abby ang kauna-unahang loyalty incentive program para sa mga matagal nang empleyado ng City Hall na tuloy-tuloy na nakapaglingkod ng 10 taon at higit pa sa katapusan ng 2016. Saklaw ng naturang programa ang mga regular, casual at contractual na mga empleyado.
Ang kauna-unahang batch ay binuo ng mahigit 4,000 empleyado na tumanggap bawat isa ng certificate of recognition at cash incentives ayon sa mga sumusunod: 40 taon sa serbisyo pataas, P20,000; 35 taon hanggang 39 taon sa serbisyo, P17,500; 30 taon hanggang 34 taon sa serbisyo, P15,000; 25 taon hanggang 29 taon sa serbisyo, P12,500; 20 taon hanggang 24 taon, P10,000; 15 taon hanggang 19 taon, P7,500; at 10 taon hanggang 14 taon, P5,000.
Noong 2018, ang ikalawang batch ng awardees na nakatanggap din ng insentibo ay binubuo ng 728 regular at 256 casual na empleyado, kabilang ang mga nakapaglingkod nang tuloy-tuloy sa loob ng 10 taon nitong Disyembre 31, 2017.