SIX years nang magkarelasyon sina Mylene Dizon at ang boyfriend nitong si Jason Webb pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapakasal.
Ayon kay Mylene, talagang wala sa priorities niya sa buhay ang magpakasal, “Hindi na. Never naman akong sumagot sa mga interview na gusto kong magpakasal. Alam n’yo ‘yan, hindi talaga ako pangkasal.”
Paano kung biglang mag-propose sa kanya si Jason? “Nakakaloka kayo! Maganda ba ang ring? Ring lang naman, susuot ko lang naman, e!” natawang sagot ng aktres.
“No, kasi unang-una, hindi ako nagri-ring. So, hindi magbibigay ng ring ‘yan. Nakikita n’yo ba akong naka-aksesorya maliban sa shooting at taping? Hindi rin naman,” pahayag pa ni Mylene.
“It’s not for me, it’s not just for me,” hirit pa ng aktres tungkol sa pagpapakasal. Happy na raw siya kung anumang meron sila ngayon ni Jason.
May dalawang lalaking anak si Mylene sa dati niyang karelasyon na si Paolo Paraiso habang two girls naman ang anak ni Jason sa dating asawang si Claudine Trillo.
Samantala, mapapanood na si Mylene gabi-gabi sa GMA Telababad series na Sahaya bilang mapagmahal na nanay ni Sahaya na gagampanan ni Bianca Umali.
Sa unang linggo kasi ng serye ay si Jasmine Curtis ang lumabas na ina ni Sahaya at nang magdalaga na nga si Bianca ay si Mylene na gaganap na nanay niya.
Isa si Mylene sa mga masuswerteng artista na nakakagawa ng proyekto sa ABS-CBN at GMA. Ayon sa aktres, hindi niya mahindian ang Sahaya dahil sa napakaganda ng role na in-offer sa kanya bukod pa sa makakatrabaho niya uli sina Bianca at Miguel Tanfelix.
Nakasama niya ang tambalang BiGuel sa seryeng Once Upon A Kiss noong 2015, “Ang suwerte ko lang kasi yung dalawa ang kasama ko ulit. It’s comfortable.
“Natapos ang The Good Son (last series niya sa ABS-CBN), I think, March of last year. It was 11 months ago. Feeling ko, nanganay din naman ako. That’s why I’m so thankful na itong dalawang ito ang nakasama ko, mas madali ang trabaho.
“Rather than nangangapa ka na nga sa trabaho, nangangapa ka pa sa makakasama mo,” dugtong pa niya. Pero komento ng ilang nag-iinterbyu sa kanya para namang hindi uso sa kanya ang mangapa dahil napakagaling niyang artista.
“No, mangangapa ka. Kailangan ko ng matinding connection with Bianca, e. So it was easy. So, so easy because she knew right away that I was looking for something na mag-connect with her, and she responded naman,” paliwanag ni Mylene.
Feel na feel naman daw niya ang chemistry nila ni Bianca bilang magnanay sa Sahaya, “Oo, ‘no, napansin ko rin. Kasi, kamukha siya ng tita ko, puwede ko nga siyang kamag-anak.
“Hinahanap ko nga ang picture ng tita ko, ipapakita ko sa kanya, kasi talagang kamukha niya,” chika pa ni Mylene.
Sa pagpapatuloy nga ng Sahaya, nagsimula nang maramdaman ni Sahaya ang lupit ng mga taong nakakasalamuha niya. Kung gaano kahirap ang mabuhay sa gitna ng diskriminasyon sa lugar na kinalakihan niya.
At ngayong dalaga na si Sahaya, ipagpatuloy kaya ng kanyang kababatang si Ahmad (Bianca) ang pagsuyo sa kanya kahit na alam niyang hindi madali ang pagkakaroon ng karelasyong tulad ng dalaga?
Siguradong ikagugulat ng mga manonood ang mga susunod na eksena nina Bianca at Miguel sa serye.
Huwag palalampasin ang Sahaya gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Kara Mia, sa direksyon ni Zig Dulay.