Narekober ng pulisya ang bangkay ng mga napatay na rebelde at nadakip ang isa pa, na sa huli’y nakilala bilang si Aljon Cardenas, 18, ng Calbayog City, sabi ni Lt. Col. Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police.
Sugatan sina SMSgt. Arturo Gordo Jr., na tinamaan ng shrapnel sa mata’t ilong, at MSgt. Arnold Cabacang, na tinamaan ng shrapnel sa mukha.
Aabot sa 50 rebelde ang umatake sa istasyon dakong alas-3:44.
“They arrived in the town aboard two Forward trucks and were armed with high-powered firearms, sporting military fatigue uniforms, and used yellow strips of cloth tied to their heads as their ‘countersign,'” ani Rentuaya.
Napansin ng mga pulis na may mga babaeng kabilang sa mga umatake, aniya.
Dahil sa pag-atake, umakyat sa rooftop ng istasyon ang 15 pulis na pinamumunuan ni Lt. Eladio Alo, officer-in-charge ng Victoria Police, at doon nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde.
Dakong alas-4, inatasan ni regional police director Brig. Gen. Dionardo Carlos ang iba pang alagad ng batas sa Calbayog at Lavezares na i-reinforce ang Victoria Police, ani Rentuaya.
Tumagal ang palitan ng putok hanggang alas-6:40, bago umatras sa iba-ibang direksyon ang mga nakaligtas na rebelde.
Bukod sa mga nasawi’t nadakip na kasapi ng NPA, nakareober ang pulisya ng M60 light machine gun, dalawang M16 rifle, at isang M14 rifle mul sa puesto ng mga rebelde, ani Rentuaya.
Pinuri ni National Police chief Gen. Oscar Albayalde ang Victoria Police di lang para sa pagtaboy sa mga rebelde, kundi pati sa “presence of mind” at estratehiya.
“Nakapatay sila ng tatlo at nakaaresto ng isa. That is very commendable… Pumunta sila sa 2nd or 3rd floor ng kanilang station at doon sila nakipaglaban. Of course, in any firefight, ang sabi nga nila, you always occupy the high ground,” ani Albayalde.