‘Kailangang sumuko na ang mga kontra sa relasyong ArMaine’

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

TAMA lang ang ginagawang pangdededma ni Arjo Atayde sa mga bashers niya.

May mga pagkakataong bumibigay rin ang magaling na aktor, napuputol din ang pisi ng kanyang pasensiya, pero ang mga walang katuturang pagbira sa kanya ay deadma lang ang katapat.

Nakapagtataka naman kasi kung bakit inuunahan ng grupong bumibira sa kanya ang mga pangyayari.

Hindi raw matatanggap ng pamilya ni Maine Mendoza ang aktor dahil hindi siya nababagay sa Dubsmash Queen, ano pa kayang pruweba ang kailangang makita ng mga ito, dahil matagal nang naipakilala ni Maine ang kanyang boyfriend sa kanyang pamilya?

Kailangan nang sumuko ang mga kumokontra kay Arjo para kay Maine dahil hindi naman ang kanilang puso ang dapat masunod.

Maligaya sina Arjo at Maine sa isa’t isa, kaya ang mga namba-bash sa kanila ay puwede nang hindi pansinin, dahil maligaya ang kanilang puso.

Read more...