Tekla tuhog sina Kim at Derrick sa ‘Kiko en Tekla’

SUPER TEKLA

ISANG matinding challenge para kay Super Tekla ang gumanap na kambal sa launching movie niyang “Kiko en Lala.”

Ang feeling ni Tekla, nanananaginip pa rin siya dahil never niyang inakala na magkakaroon siya ng sariling pelikula at dual role pa ang gagampanan niya.

“Si Lala yung side na fashionista, masayahin, mapangarap, basta tipikal na gay na maganda. Maganda! Si Kiko naman, yung gwapong-gwapo sa sarili niya. Twin kami!” kuwento  ni Tekla.

Dahil kambal ang role niya sa movie, “Napakaganda at sobrang diyosa ng katambal ni Kiko, si Kim Domingo. Para kay Lala naman, si Derrick Monasterio.”

Read more...