‘Wag sanang matulad sa movie ni Ogie ang pelikula ni Bitoy’


IN THEIR newly chosen career path ay magkaibigan talaga sina Ogie Alcasid at Michael V.

Hindi kailanman naging balakid sa bosom buddies na ito—na maihahalintulad kina Damon at Pythias—ang pagkakaroon ng magkatapat na home network.

Their long years with GMA—particularly on Bubble Gang—ay sapat na para manatiling matatag ang kanilang friendship, let the war be confined sa mga istasyon.

It’s also refreshing to see both Ogie and Michael V do a TV commericial together para sa isang popular food chain.

Kamakailan ay sumubok si Ogie sa larangan ng film co-production, sumugal sa pelikulang siya ang bida. It’s a so-so movie dahil umani ito ng rave reviews.

Sadly, the film didn’t make a much moolah at the tills. Nalungkot siyempre ang co-producer niyang si Piolo Pascual citing possible reasons for the movie’s box office misfortune.

Naiimadyin na naming aandap-andap ang kalooban ni Michael V, himself one of the producers of a GMA Pictures’ offering kung saan—tulad ng kaibigang Ogie—ay tampok din siya.

Even more frightening perhaps ay ang naitalang record ng GMA Films noon. Highly acclaimed nga ang mga ipinrodyus nitong pelikula tulad ng “Jose Rizal”, “Muro Ami”, at iba pa, pero hindi ito nagpakitang-gilas masyado sa takilya.

From the looks of it ay mukhang maganda naman ang materyal ng ididirek ni Bitoy na siya rin ang may-akda. Ito ang kaibahan ng “Kuya Wes” sa “Family History.”

Here’s wishing na magkaiba ang magiging kapalaran ng kay Michael V. Not because he and Ogie are best friends means they share the same fate.

Read more...