MARAMI pa rin ang kumukumbinsi sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez na mag-join sa mga beay pageant. Sure winner na raw kasi ang dalaga once na sumali siya.
Sa itsura at sa talino raw kasi ni Janine, hindi imposibleng siya na ang susunod sa yapak nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Sa kanyang latest YouTube video, sinagot ng Dragon Lady lead star ang kanyang mga followers. Aniya, “There’s two way to see it. I guess, one of the ways to see it is just because you can, doesn’t mean you should.
“You should only do things that really inspire you and bring you closer to your goal. Another way to see it is if you can do it then you should grab every opportunity and see where it takes you. If it’s available to you then you should try it,” sey pa ni Janine.
Hindi raw talaga niya inambisyon na maging beauty queen, “Pero kasi ako, personally, wala lang, di ko lang talaga siya naging pangarap. I’m a fan of watching beauty pageants but I’ve always wanted to be an actress.”
Samantala, sa pagpapatuloy ng Dragon Lady, mas marami pang problema ang haharapin ni Celestina (Janine) ngayong lantad na ang tunay niyang itsura. Maprotektahan pa kaya siya ng mga magulang (Diana Zubiri at James Blanco) laban sa mga taong nais manakit sa kanya?
Paano naman kaya siya matutulungan ni Michael (Tom Rodriguez) para maitago ang kanyang identity? At paano niya lalabanan ang masasamang plano nina Vera (Maricar de Mesa) at Astrid (Joyce Pring)? ‘Yan ang tutukan sa Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.