Horoscope, March 28, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Matutupad ang hinihiling, kung mamayang gabi habang nakasindi ang kulay pulang kandila, mag-wish ka! Hilingin sa liwanag na dumami pang lalo ang suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig darating na ang isang masarap at maligayang suyuan. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” Yellow at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa panahong ikaw ay sagana, wag kalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo. Sa pag-ibig yayaing mag-swimming ang kasuyo upang mabawasan naman ang maalinsangang pakiramdam. Mapalad ang 7, 15, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava.” Maroon at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ngayong nalalapit na ang Holy Week iwasang kumain ng marami upang masimulan na ang “operation pagpapa-sexy”. Ang pagtitipid at pagpapa-sexy ay maituturing na isa na ring paraan upang mapanatili ang kalusugan. Mapalad ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra.” Pink at black ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal magbakasyong grade sa Boracay o sa iba lugar na malapit sa beach. Sa pinansiyal, iwasang sumira sa isang transaksyong matagal ng shut-sa-balde. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Veda-Vajur”. Blue at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Umuwi muna sa probinsiyang sinilangan upang makapagg-relaks. Sa pag-ibig, bitbitin ang kasuyo, saan man mag-punta. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Green at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan panahon na upang ilunsad ang “operation pagtitipid” para sa future ng pamilya. Sa pag-ibig, itagong mahigpit ang pera upang hindi matiktikan ng mga mangungutang. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Krisna-Siva.” Yellow at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, kahit na mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera. Mag-combine force kayo ng iyong kasuyo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Mantra-Sukadeva.” Violet at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimick at mag-swimming sa panahong ito ng tag-init. Sa pag-ibig habang pumapasok ang panahon ng tag-araw, tuloy-tuloy namang sasarap at iinit pang lalo ang suyuan. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Habang sagana, umpisahan ng mag-savings. Sa pinansiyal, hindi paramihan ng pera o suweldo ang labanan, kundi paramihan ng ipon. Sa pag-ibig kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Red at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pinansyal hindi ka kikita ng malaking halaga kung lagi kang magsusungit. Sa pag-ibig, wag awayin ang kasuyo at pagkatapos ikaw na naman ang hihingi ng sorry. Mapalad ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Rama-Om!” Blue at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pinansyal, itago ang lahat ng malilikom na pera ngayong panahon ng tag-araw, dahil pag nag-tag-ulan na medyo tutumal na ang dating ng magadang kapalaran. Sa pag-ibig ang wagas na pag ibig ay madudulot ng masarap at matamis na romasa. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan sa bandang huli. Hindi madadaan sa pandaraya ang mga bagay-bagay. Sa pag-ibig, bakit mo kasi tinanggihan ang alok ng isang matalik na kaibigan, ayan malungkot ka na naman tuloy ngayon? Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Harim-Om.” Maroon at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Haluan ng panalagin ang relasyon. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kadilang pula, yayain ang kasuyo na ipagdasal ninyong maging successful, maging maligaya at maging pang habang buhay na ang inyong relasyon. Mapalad ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Gosvami-Jiva.” Bukod sa red buenas ang lilac.

Read more...