Haharap sa patong-patong na asunto ang binata dahil sa reckless driving at pagbangga sa isang police mobile na humabol sa kanya.
Ayon sa report ng Saksi ng GMA 7 kagabi, nabangga umano ni Migo ang dalawang tauhan ng MMDA ngunit tinakbuhan niya ang mga ito. Naabutan naman ng mga humabol sa kanyang enforcer ang aktor.
Noong una una ayaw pang lumabas ng sasakyan si Migo at ipinagdiinan na wala siyang nagawang violation dahil hindi raw niya alam na may nabangga siya. Ayaw din daw ibigay ng aktor ang kanyang lisensiya sa mga arresting officer.
Makalipas ang ilang sandali ay napilitan na ring sumama ang Kapuso actor sa mga nanghuli sa kanya.
Iniimbestigahan pa kung totoong nakainom ang binata nang mangyari ang aksidente at kung peke nga ang driver’s li cense na isinurender niya sa otoridad.
Ang dalawa namang MMDA officer nabangga ng StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor ay dinala naman sa ospital.
Sa panayam naman sa abogado ni Migo na si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque, pinanin digan nito na hindi alam ng aktor na may nabangga siya kaya nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho.
“Ang initial statement niya sa akin is hindi niya raw alam na meron siyang na-sideswipe. Otherwise, ang sabi niya sa akin, kung alam niyang may nasagi, he would stop,” paliwanag ng lawyer ni Migo.
Sasagutin din daw ng binata ang lahat ng hospital bills ng mga biktima.
Kinasuhan na ng reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property at disobedience to person in authority si Migo ng Makati Police.
Kumalat naman sa social media ang ilang litrato habang inaaresto si Migo. Sa post ni TJ Orendain Besa III sinabi nitong: “Artista daw ng GMA? Who he?
“He was just cuffed and arrested in Makati for hit-and-run, after hitting couple on a motorbike.
“**videos when i get back**”
Kaninang madaling-araw, ipinost nga ni TJ ang mga video ng pag-aresto kay Migo na may caption na: “Arrested and cuffed for hit-and-run of motorcycle-riding couple, damage to government property, and running into traffic counterflow after being pursued by other bikers and the Makati police… pinagtitilian pa rin si lodi Migo Adecer.”